Monday, December 31, 2007

happy new year!


I wish you all the best in 2008!
HAPPY NEW YEAR!

(image is from 2006 tempe town lake parade. too cold to go outside and take pictures.)

the pager


nung mag start ako dito, sabi ng manager na eventually ay isasama ako sa "pager" duty. akala ko naman, yun lang ang tawag nila sa "on call" nila, di ko akalain na pager talaga ang gagamitin kapag kinailangan ka nila. kaya nang ibigay sa akin ang pager ko, ginawa ko ang aking pinaka-platic expression wag lang ako matawa.

naman, meron pa palang pager sa mundo?! i'm sure uso ito sa ghana or sa botswana, pero hindi dito sa sweden. nagpaumanhin pa ang manager ko, kasi wala daw makuha na mas maliit na model. i'm sure nagkakaubusan ng pager sa africa, kaya wala na ang "latest" model. actually ok lang, sino ba naman ang ayaw ng pager? iniisip ko na lang na 1991 ngayon at ako ay susyal na susyal sa pager ko!

pero kung tutuusin, may point din naman sila, paano nga naman kung kailangan nila ng tulong dahil bagsak ang network, papano ka nila tatawagan? so na-gets ko na din ang logic. di ko lang kinaya ang jurassic pager!

anyway, di ko masyado na enjoy ang holidays ko kasi nasa pager duty ako from the morning of 0800H dec24 hanggang sa 0800H dec31. buong linggo akong kinakabahan na any moment ay tutunog ang hinayupak na pager at kailangan ako mag trabaho. holiday pa naman ang dec24-26.

so, dumating ang dec31 paggising ko hinihintay ko na lang ang 0800H para pwede ko na i-off ang pager. pagdating ng 0726H... BEEEEEP! WTF???? 34 minutes na lang di pa ako pinatawad.
walang choice kung di tumawag sa office at itanong ang problema nila. mabait naman ang shift leader, nag sorry pa nga kung nagising daw ako. matapos nya ibigay ang info, nag remote log in na ako. since 0800H na at wala ako idea kung papano mag proceed sa troubleshooting ng problema (kasi di ko kabisado ang equipment na nasira), nagpasya ako na i-turn over na ang fault sa current pager duty. buti na lang at sinalo nya. well, wala naman sya choice, im sure kung sya ang nasa situation ko, ipapasa din nya yun. ganun talaga ang buhay. minsan may page, minsan wala.

ok din naman ang pager duty, kasi may bayad ka every hour of the week. halimbawa sa weekends na duty ka tag-24 hours ang babayaran. sa weedays tag 16 hours per day ang babayaran. so extra sahod din. at kung minalas ka at na-page ka, overtime naman yung hours na nag work ka. di na din masama.

so 5 weeks to go until the next pager duty! I-CAN'T-WAIT!!! :)

Sunday, December 30, 2007

i am addicted to....


I don't care much about football. I don't watch it, i don't follow it, i don't understand it. But, I love Friday Night Lights! The writing is sharp, the acting is great and the directing is superb. Plus, the football scenes are exciting. I just might watch the Super Bowl this January. I am hooked big time.

Full Heart Clear Eyes Can't Lose! Go Dillon Panthers!

Sunday, December 23, 2007

new room




di masyado purple di ba? malamang teenage girl ang may-ari nito. astig, with matching che guevarra at peace sign pa. wala lang.

mag-recycle ay di biro.....






ilang buwan na din ako dito, pero mga 3 weeks pa lang ako nag hihiwalay ng mga basura ko. dati sama-sama lahat, tapos ibubuhol ang supot, sabay shoot sa butas sa building at diretso sa kung saan man yung papunta.
pero mga 4 weeks ago, biglang nagkaroon ng paskil sa lobby ng building, reminding everyone to recycle, nakow malamang ako ang pinatatamaan ng "paalala".
mula noon, sumunod na ako. hiwalay ang papel (dyaryo, magasin, etc), paper packaging (pizza box, detergent box etc), metal, plastic (lalagyan ng ketchup, patis etc), clear glass bottle at colored glass bottle.
so, kapag puno na ang supot, dadalhin ko na sila sa likod ng grocery kung saan andun ang gigantic basurahan na tapunan ng basura.
maguguglat ka, kasi ang dami tao, lalo na sa weekends. medyo serious sila dito sa recycling, number one ang sweden sa compliance ng waste segregation, recycling etc. kaya naman kitang kita sa environment nila. malinis at maayos!

Saturday, December 22, 2007

lipat

maaga ako gumising para sa last minute empake para sa paglipat ko mula sa temporary apartment papunta sa .... temporary room.

confused? well ganito, yung isang kasamahan ko sa office (na kasama ko din dati sa US) ay meron malaki apt, 3 lang sila dun (mag asawa at baby), so nung makuha nila apartment, nag suggest ako na i-rent ang isang room (4 rooms lahat). kasi sa ganitong set up makakatipid ako sa rent at makakatipid din sila. kasi may kamahalan ang rent ng place nila, kasi nga malaki at medyo malapit sa city center. habang andito ako, hahanap ako ng sarili namin apartment!

so, sa tulong ni N (office mate), nag renta ako ng van mula sa gas station. manual gear. gudlak sa akin. bago pa man kami nakalabas ng garahe ng gas station, 3 beses ata ako namatayan. di na kasi ako sanay sa manual eh. tapos medyo nakakapanibago, kasi driving while snowing. at yung left side mirror ko pa eh natanggal sa pwesto nya at wuma-wagayway habang nag drive kami. dasal ko ay sana di sya malaglag.

mabuti na lang at wala masyado tao sa kalye, kasi karamihan ng mga tao at naka alis na from stockholm at nag holiday na. kasi next week dec 26 at 27 lang ang pasok, so halos lahat ng tao ay nag holiday na. solong solo ko ang hi-way. ok na to, wala masyado madadamay kung pumalpak ako! medyo mabilis ang byahe, 30 minutes one-way. tapos mga 45minutes lang para i-load ang mga gamit sa van.

all in all mabilis ang paglipat, wala masyado pangyayari. inabot din ng SEK600 ($90+) ang rent ng van at gasolina.ok na din, at least confident na ako mag drive sa sweden!

at ang best part, free na ang sofa at dining table at chairs, cofee table, lamps etc. di na kasi kailangan ng company namin. lahat yun brand new! hehehe. ayos!

pictures of my new room later!

Tuesday, December 18, 2007

xmas party


kagagaling ko lang sa company xmas party. mga 630pm, sumakay kami ng bus para pumunta sa sercret location kung saan gaganapin ang party. ganun kada taon, walang may alam kung saan ang party. the dress code said "jacket", so kinailangan ko bumili ng suit (jacket at pants), pero ok na din kasi may free shirt at tie na promo nung bumili ako.

balik sa party kwento, so binaba kami ng bus sa isang fancy restaurant. as in "champagne while waiting for the tables to be ready" fancy. as in "fire place in the middle of the dining area with matching couch" fancy.

matapos after 15 minutes na wentuhan, ready na ang tables. nawala ang poise ng mga repa-pips, unahan sa magandang pwesto. buti na lang magaling mang box out ang kasamahan ko (o sadyang gutom lang si lola), kaya maganda ang lugar namin.

base sa table settings, three course meal ang magaganap. bread, appetizer, main course at dessert at cofee. masarap ang food, para sa appetizer, meron salmon, caviar at iba pang bagay na wala ako idea kung ano sya or kung dapat ba syang kainin or for decoration purposes only.
main course was a very tender beef with mushrooms and potatoes. for dessert we had chocolate mousse. fine dining sya, so lahat ng course ay parang sculpture na ewan.

habang kumakain kami meron 2 singers at isang pianist na nag entertain sa amin. magagaling sila at magaganda ang boses. si manong singer, kalbo parang si wally ng EB, si manang siger naman parang si Donya Buding. pero di ko kinaya ang choice of songs: moon river, what a wonderful world, you've got a friend at ang pinaka nakamamanghang choice....... delilah.

sus mariang mahabagin, di pa nakuntento ang singers na kumanta kami ng delilah, kailangan pa magkapit bisig kami at magpa-sway sway pa kami habang nakaupo. hmmm, buti na lang game din ang mga kasama ko sa table, kami ata ang pinaka energetic ang sway at pinaka malakas sa "why, why, why delilah".

eto pa, may part pa na kakanta ng jingle bells, pero ang "music" ay sa pamamagitan ng paghampas ng kutsarita sa baso. naman, para kaming na-ngaroling, feeling ko dapat kami ang binayarang ng talent fee, dahil na-entertain namin ang sarili namin. haaay.

di na ako nag stay pa para sa beer at wine, kasi antok na ako. so, naki share na lang ako ng taxi pauwi. so order ng taxi ang kasama ko sa phone. ang taxing dumating, mercedes benz. parang big time, pero ordinary lang sa kanila yun. haaay.

(pic is me using my office mate's camera)

Sunday, December 16, 2007

nangyari na ba sa inyo ito?

matapos maligo, pumunta ako sa lababo para mag hugas ang pinggan at mag toothbrush. simple lang di ba, pero nung nilagay ko na ang toothpaste, sponge pala hawak ko.

so what to do? ipanghuhugas ko ba ang toothpaste o ipangtu-tooth brush ko ang sponge? decisions, decisions. talino ko di ba?

ambulance


Mecedes Benz na ambulance, san ka pa?

Posted by Picasa

plastic bottles


hindi ako collector ng plastic bottles, kailangan lang na ihiwalay sila kasi, ibabalik ko yan sa grocery para maging pera. yup, uhuh, you heard it right, pera. kasi bawat isa nyan ay may katumbas na halaga, yung maliit sek1, yung malaki sek2. pwede din ibalik ang mga bote at aluminum cans.

dalhin mo lang sa grocery at i-shoot sa mala-ATM na makina at pindutin ang button kapag tapos na at lalabas ang resibo kung saan nakalagay ang amount ng pera mo, pwede gamitin sa grocery or ipalit para maging pera. para kang nag-deposit ng bote. saya di ba?

parang pinas lang, minus the kariton at ang mga sumisigaw ng "bote, dyaryo". meron pa bang nagpapalit ng low grade cheese curls para sa bote sa pinas? hmmm, kung cheese curls ang lalabas sa machine ayos na din!

Posted by Picasa

ice cream


Love yourself, Selecta yourself!

Posted by Picasa

Saturday, December 15, 2007

di na ako....

nagme-mental conversion from swedish krona to peso. siguro sanay na ako sa gastos dito. iniisip ko na lang parehas lang sahod ko dito at sa pinas. kasi numerically halos pareho nga, pero value wise malaki ang difference. masdan ang kaibahan....
halimbawa ang sahod ko ay sek 15,000** matapos kaltasan ng sandamakmak na tax, or php 15,000 matapos makurakot ang tax, ito ang mga gastusin:

sahod: sek15000 / php15000
apartment renta: sek5000 / php5000
groceries: sek2000 / php4000
pantalon: sek400 / php2000
winter jacket: sek1500 / php10000
pamasahe (1 buwan): sek620 / php2500(fx)

kitang kita na kahit na parehas ng bilang ng pera, malaki ang pinagkaiba ng halaga. kaya di na ako nagme-mental conversion.

** mas mataas ang tunay na sahod, naman! hehehe. pero malaki talag ang tax! huhuhu.

i heart the style guy


i used to be addicted to details magazine. i had a lot of them, and one of the main reason is the column of the style guy. it's usually questions from clueless men (like me) on various topics such as fashion, grooming, travel and everything in between. his answers are pretty frank and straight forward with a loads of wit, a dash of humor and a sprinkle of sarcasm.

these past weeks, i have been thinking of buying a suit, because I will be needing it for the company xmas party (and you never know when you'll need one later). so being helpless and not finding the information i need from yahoo answers, i search for the only person i know who can help me, mr. glenn o' brien a.k.a. the style guy!

a few clicks later, i now know the proper length of the sleeves, how much shirt should show at the cuffs, correct length of the jacket, that suit size is about proportion and not about a person's height etc. in short i know what to look for. i am not so clueless anymore. thanks style guy!

here is a sample:

Q: I carry a slim shoulder bag, which you might call a purse. I think it’s great, and so does my girlfriend (she picked it out). I don’t really have a need for one in winter, because I can stuff all my things in various pockets, but in good weather I don’t wear a coat. I think nothing looks uglier than a nice pair of slacks full of stuff. In my bag, you’ll find my wallet, my keys, my change purse and my phone. My friends think it’s funny and call me gay all the time. Everywhere I go, people stare. What’s your take?

A: Nobody would look twice at you in Europe, where lots of men carry purses. I always have some kind of portable thing. It’s odd that in cities it’s acceptable for men to walk around with backpacks and knock into one another in tight spaces, but if they carry something more discreet, it’s considered weird. And what about fanny packs, essentially scrotum tote-’ems, which is why they’re often used by mannish ladies? Maybe you should get a sporran, one of those Scottish pouches. My advice is, if somebody looks at your tote and calls you a sissy, just hit him upside the head with your purse.

Thursday, December 6, 2007

what to watch on tv (or laptop, hehehe)


gossip girl, kasi crush ko si blair (yung naka itim) at maganda ang music.


project runway, kasi entertaining.


the amazing race, kasi para ka na ring nag-travel.


weeds, kasi maganda ang istorya, magaling ang mga artista at nakakatawa.

mga piling piling pelikula

hmmm, magda-dalawang buwan na pala ako dito sa sweden. dalawang buwan na din na hindi ko nasisilayan ang telebisyon. ngunit, dahil sa teknolohiya at sa iba pang pamamaraang maituturing na ilegal (ehem torrent ehem) ako ay hindi nakakadama ng sobrang kalungkutan. may mga pelikulang nang-aaliw sa akin.

anak ng pusang gala! kung meron mang pelikulang maituturing na "heart pounding movie", ito na iyon. susmeng mahabagin, umurong ata ang mga yagbols ko paakyat sa leeg sa walang patumanggang habulan at suspense ng pelikulang ito. nakakpagod, parang gusto ko matulog nung matapos. kung hindi na-praning si mel gibson at kung ano ano ang pinagsasabi nung sya ay malasing, malamang mas madaming karangalan nakuha ang pelikulang ito.



nakakinis si queen elizabeth dito, kung totoo man ang mga pangyayari sa pelikulang ito na base sa mga araw matapos mamatay si diana. wala syang puso, kung meron man kulubot at raisins na. walang feelings, kung meron man, nahihiya sya ilabas. pero magaling si helen mirren at karapat dapat ang pagkapanalo nya sa oscars.




napanood ko na ito noon, pero dahil "i crush anne hathaway" kumuha ulit ako ng kopya sa kasama ko. halos araw araw ko ito pinanood ng ilang linggo, kasi wala naman ako iba papanoorin. kabisado ko na nga ang pelikula. magaling si meryl streep, pero mas magaling si emely blunt, yung assistant na mataray, panalo mga banat nya dito.




nakakatawa, pero pwede nang hindi ulitin.








mabuhay si michael moore! naku tama ang mga nilalaman ng documentary na ito. nakakainis ang medical system sa america, kung wala kang insurance, patay ka, literally. kahit meron ka insurance, hindi pa din ligtas sa mga bayarin na darating ilang buwan matapos mong madama ang ginhawa ng gamot, operasyon o lunas na ibinigay ng doktor sa iyo. gudlak.




tawa ako ng tawa sa buong pelikula. iyak ako ng iyak sa dulo. miss ko mag-ina ko.

Wednesday, December 5, 2007

wallpaper

check out my new wallpaper with calendar! you like? make yours here.

Wednesday, November 28, 2007

i'm not religious, but....

i love this song. i remember first hearing it on air 1 on the way to a night job in phoenix, but i forgot the title of the song.
tonight, while surfing in itunes, i searched for it and instantly bought it. well worth the $0.99.

Weak and wounded sinner
Lost and left to die
O, raise your head for Love is passing by

Come to Jesus
Come to Jesus
Come to Jesus and live

Now your burden's lifted
And carried far away
And precious blood has washed away the stain
so

Sing to Jesus
Sing to Jesus
Sing to Jesus and live

And like a newborn baby
Don't be afraid to crawl
And remember when you walk sometimes we fall
so

Fall on Jesus
Fall on Jesus
Fall on Jesus and live

Sometimes the way is lonely
And steep and filled with pain
So if your sky is dark and pours the rain
then

Cry to Jesus
Cry to Jesus
Cry to Jesus and live

O, and when the love spills over
And music fills the night
And when you can't contain your joy inside
then

Dance for Jesus
Dance for Jesus
Dance for Jesus and live

And with your final heartbeat
Kiss the world goodbye
Then go in peace, and laugh on Glory's side
and

Fly to Jesus
Fly to Jesus
Fly to Jesus and live

Fly to Jesus
Fly to Jesus
Fly to Jesus and live

Sunday, November 25, 2007

cellphone pix

at a shop in stockhom, love the capiz chandelier

upside down xmas tree. i want one!

creepy mannequins at mexx.

swedish design



some of my favorite items at design torget.
the soda bottle handle is pure genius and of course your banana needs all the protection it can get!

Saturday, November 24, 2007

its beginning to look alot like.....


bought my "christmas tree" from muji yesterday. pasko na!

ako ay adik sa...

podcasts!

background wento: nung dumating ako sa sweden, wala ako tv sa apartment (hanggang ngayon), kaya internet lang ang pinaka entertainment ko. so, minsan hanap ko ang "best week ever" sa vh1, kasi kahit nung nasa US pa kami, madalas ko na pinapanood ito via tv or web.ang kaso, medyo mabagal nga ang internet connection ko, kaya putol putol din ang streaming, kay nakakainis manood.

minsan, nasa itunes ako, wala lang, tingin tingin ng free songs, etc. tapos, click ko ang mga podcast na available, at wham! andun si BWE! at free sya. so, download at subscribe agad sa video podcast! at ngayon meron na akong instant tv show!

mula dun, search pa ibang pwede panoorin (video podcast) or pakinggan (podcast). dami choices! ngayon meron na ata ako more than 10 subscribed podcast, from personal finance, mr. manners, joel osteen, tech giude etc. halos lahat ng topic meron dun.

so kung dati wala ako mapanood, ngayon may backlog na ako sa dapat kung panoorin at pankinggan. ang maganda pa, pwede i-download sa itune at dun pakinggan habang nasa subway etc. mahuhay ang itunes!

today, i turn...

3 3

Saturday, November 17, 2007

wool sweaters



kainis.
last weekend may binili ako wool sweater sa h&m, natuwa ako kasi sale lang SEK150 (mga $25, mura na yun dito). bukod sa ok ang size at kulay eh masarap pa isuot. anyway nagamit ko sya twice sa office last week. sarap, kasi warm and fuzzy ang feeling.
kahapon, bago umuwi daan ulit ako sa h&m, kasi naalala ko meron pa isa dun sa sale rack, ibang color naman, swerte naman at buhay pa sya, so binili ko na din. yay!

kagabi, nilabhan ko sila according to specs: cold water, no tumble dry etc. fine.
matapos ang laba, UMURONG sila.

sinubukan ko isukat, kasi baka kako kaunti lang ang difference sa orig size. o hinde! para akong winnie the pooh, labas ang tyan! at bakat ang non-existent biceps sa sobrang sikip. imagine mo si winnie the pooh na parang naka superman costume (pero v-neck) tapos labas ang tyan.

from now on, cotton na lang bilin ko. huhuhuhu.
oh v-neck wool sweaters..... i miss you already!

UPDATE: tumawag ako sa h&m store kung saan ko sila nabili, pwede daw ibalik basta meron receipt. hehehe, buti na lang save ko mga receipts. yahoo!

Friday, November 16, 2007

ang nag daang linggo

tagalugin ko baka meron nagbabasa na kasama ko sa office (feeling!).
mga kaganapan sa nagtapos na linggo:

dami problema matapos ang software upgrade. problema ng isang operator na madali naman gawan ng paraan, pero nagpumilit pa din sila na ibalik ang lumang software. fine. ibalik. panggabing gawain na naman ito, at dahil ako ang bago sa grupo, syempre ako ang taya.
kinaumagahan, matapos mabalik sa lumang software, sabi ng boss ko, ok na daw ang problema ni operator, nagawan daw nila ng paraan. nampucha naman, sana di na kami nagpuyat. hehehe.

dumating na ang laptop ko, isang slightly used lenovo t60. ganun talaga, contractor na eh, di na brand new ang laptop na ibibigay sa yo. buti nga meron na-issue eh, kung minalas malas ka pa, bring-your-own-laptop ka pa. buti na lang di ako bumili nito sa US. gigil na gigil na ako bumili ng t60 bago umuwi sa pinas para sa sweden work.

yung, isang kasama namin (na nakasama ko din sa US) lenovo t30 ang ibibigay sa kanya. halos maluha sya, kasi doble ang kapal at 5 years old na ang laptop at balak na ata mag retire. wawa naman, akala pa naman nya same kami model.

ano pa ba? madaming bago natututunan, medyo nakakatuwa din. pampaganda ng resume. mabuti na lang at sa iba ako na-assign, kasi medyo bago na medyo alam ko din ang work. labo ba? basta ganun.

remember the milk


found this site while blog hopping. it's supposed to help you to remember things that needs to be done. i immediately signed up and my first 'to do' in the list is:
"remember to use 'remember the milk'". hehehe.

try it now at www.rememberthemilk.com.

btw, you can link your list into your mozilla firefox browser. hmmm, another task to add to my 'list'.

Sunday, November 11, 2007

what's wrong with me?


these guys should be dead by now. they came with the apartment when i moved here. although, i water them sometimes, they should be wilting and dying by now. it's been a month already. i must be losing my touch, my "black thumb" is no longer working.
damn ikea, even the plants are cheap and reliable!

heater


i bought this last friday, when an office mate told me that it will be snowing in the weekend. and true enough, it was snowing come saturday morning. but i am warm and cozy thanks to my heater.
c'mon snow, bring it on!

Friday, November 9, 2007

Sunday, November 4, 2007

early winter

friday..... what a beautiful day!

saturday... boom! SNOW!

what the hell?
di ba sabi ko nung last post ko meron balita na mag snow na next week? well, mas maaga sya ng two days! pero nung friday, kahit may araw, eh para ka pa ding sinasampal ng frozen tapa at tocino sa lamig ng hangin! but, by sunday it was a "normal" day with a high of 2C.
oh well! i guess winter is slowly creeping in!

it's official...


pwede ba re-analysis? naka side view ako eh! baka akala nung computer, isa lang tenga ko. :)

Friday, November 2, 2007

walking around

napadaan ulit ako sa philippine embassy going to the pinoy store. it seems na ang ating bandila ay in perpetual pulupot mode sa kanyang pole. kada mapapa-daan ako dito, lagi na lang ganun, hindi tuloy nakikita ng ibang tao ang watawat natin. naks, watawat!. hehehe.

anyway, sa tapat ng embassy ay nakita ko ito, malakas ang hinala ko na xmas tree yan. i could be wrong, pero yun talaga ang feeling ko. sana tama ako.

i heart small cars p.2