di na ako....
nagme-mental conversion from swedish krona to peso. siguro sanay na ako sa gastos dito. iniisip ko na lang parehas lang sahod ko dito at sa pinas. kasi numerically halos pareho nga, pero value wise malaki ang difference. masdan ang kaibahan....
halimbawa ang sahod ko ay sek 15,000** matapos kaltasan ng sandamakmak na tax, or php 15,000 matapos makurakot ang tax, ito ang mga gastusin:
sahod: sek15000 / php15000
apartment renta: sek5000 / php5000
groceries: sek2000 / php4000
pantalon: sek400 / php2000
winter jacket: sek1500 / php10000
pamasahe (1 buwan): sek620 / php2500(fx)
kitang kita na kahit na parehas ng bilang ng pera, malaki ang pinagkaiba ng halaga. kaya di na ako nagme-mental conversion.
** mas mataas ang tunay na sahod, naman! hehehe. pero malaki talag ang tax! huhuhu.
No comments:
Post a Comment