Sunday, December 23, 2007

mag-recycle ay di biro.....






ilang buwan na din ako dito, pero mga 3 weeks pa lang ako nag hihiwalay ng mga basura ko. dati sama-sama lahat, tapos ibubuhol ang supot, sabay shoot sa butas sa building at diretso sa kung saan man yung papunta.
pero mga 4 weeks ago, biglang nagkaroon ng paskil sa lobby ng building, reminding everyone to recycle, nakow malamang ako ang pinatatamaan ng "paalala".
mula noon, sumunod na ako. hiwalay ang papel (dyaryo, magasin, etc), paper packaging (pizza box, detergent box etc), metal, plastic (lalagyan ng ketchup, patis etc), clear glass bottle at colored glass bottle.
so, kapag puno na ang supot, dadalhin ko na sila sa likod ng grocery kung saan andun ang gigantic basurahan na tapunan ng basura.
maguguglat ka, kasi ang dami tao, lalo na sa weekends. medyo serious sila dito sa recycling, number one ang sweden sa compliance ng waste segregation, recycling etc. kaya naman kitang kita sa environment nila. malinis at maayos!

No comments: