the pager
nung mag start ako dito, sabi ng manager na eventually ay isasama ako sa "pager" duty. akala ko naman, yun lang ang tawag nila sa "on call" nila, di ko akalain na pager talaga ang gagamitin kapag kinailangan ka nila. kaya nang ibigay sa akin ang pager ko, ginawa ko ang aking pinaka-platic expression wag lang ako matawa.
naman, meron pa palang pager sa mundo?! i'm sure uso ito sa ghana or sa botswana, pero hindi dito sa sweden. nagpaumanhin pa ang manager ko, kasi wala daw makuha na mas maliit na model. i'm sure nagkakaubusan ng pager sa africa, kaya wala na ang "latest" model. actually ok lang, sino ba naman ang ayaw ng pager? iniisip ko na lang na 1991 ngayon at ako ay susyal na susyal sa pager ko!
pero kung tutuusin, may point din naman sila, paano nga naman kung kailangan nila ng tulong dahil bagsak ang network, papano ka nila tatawagan? so na-gets ko na din ang logic. di ko lang kinaya ang jurassic pager!
anyway, di ko masyado na enjoy ang holidays ko kasi nasa pager duty ako from the morning of 0800H dec24 hanggang sa 0800H dec31. buong linggo akong kinakabahan na any moment ay tutunog ang hinayupak na pager at kailangan ako mag trabaho. holiday pa naman ang dec24-26.
so, dumating ang dec31 paggising ko hinihintay ko na lang ang 0800H para pwede ko na i-off ang pager. pagdating ng 0726H... BEEEEEP! WTF???? 34 minutes na lang di pa ako pinatawad.
walang choice kung di tumawag sa office at itanong ang problema nila. mabait naman ang shift leader, nag sorry pa nga kung nagising daw ako. matapos nya ibigay ang info, nag remote log in na ako. since 0800H na at wala ako idea kung papano mag proceed sa troubleshooting ng problema (kasi di ko kabisado ang equipment na nasira), nagpasya ako na i-turn over na ang fault sa current pager duty. buti na lang at sinalo nya. well, wala naman sya choice, im sure kung sya ang nasa situation ko, ipapasa din nya yun. ganun talaga ang buhay. minsan may page, minsan wala.
ok din naman ang pager duty, kasi may bayad ka every hour of the week. halimbawa sa weekends na duty ka tag-24 hours ang babayaran. sa weedays tag 16 hours per day ang babayaran. so extra sahod din. at kung minalas ka at na-page ka, overtime naman yung hours na nag work ka. di na din masama.
so 5 weeks to go until the next pager duty! I-CAN'T-WAIT!!! :)
No comments:
Post a Comment