Showing posts with label sophia. Show all posts
Showing posts with label sophia. Show all posts

Saturday, November 8, 2008

Sunday, October 26, 2008

saturday stroll

at gamla stan (old town)
at one of the tiny alleys at gamla stan
at the waterfront, near the philippine embassy
at slussen after going to the filipino store
in front of the royal family's palace

Saturday, October 11, 2008

3


today our sophia danielle turns three!!!!
happy birthday anak! salamat sa walang paglagyang ligaya na binibigay mo sa amin ni mommy mo!
i love you sophia aka sopya aka popya aka pops-d!

Posted by Picasa

fall


yellow maple leaves! fall season is in full swing! grrrrrrrr!

Posted by Picasa

Thursday, September 11, 2008

betty la popya!



here is sophia trying out some glasses at topman! betty isdatchu?

Posted by Picasa

Saturday, August 16, 2008

wow pretty!


yan ang magic words para mauto ko si sophia na mag pose for pics. kahit na sabitan mo sya ng walis o tabo, basta meron "wow pretty!" deadma lang ang lola mo!

Posted by Picasa

Thursday, August 14, 2008

ano pa nga ba.....




more jumping pix. jump bago lumabas ng pintuan, at jump habang ngumunguya!

Posted by Picasa

napagod


last saturday, pagkatapos maligo ni sophia, napag desisyunan nya na sumapa sa ibabaw ng coffee tabe at humiga. madalas naman nya ito gawin, kaya ok lang. after mga 1 hour pansin ko lang na di na masyado malikot ang pops-d. hmmm. kaya naman pala, tulog ang lola nyo! napagod siguro sa kakatakbo sa loob ng bahay, di na namin sinasaway kasi nasa ground floor na po kami!

Posted by Picasa

tama ba namang...


gawin nating headband ang pantali sa kurtina! donna cruz isdatchu? "dyram daram.... kapag tumibok ang puso......"

Posted by Picasa

oh no! i have created....





a smiling, jumping little monster!
kasi naman, kada na lang hawak ko ang camera ko, at nakikita ko si sophia, pinapatalon ko sya para sa pix. test ko kasi kung gaano kabilis ang new lens ko ( na pinabili ko sa kasama ko na nag vacation sa US, almost 50% off ang price compared sa sweden). ngayon, kapag kailangan ko ng "normal" shots nya, di ko na magawa! kasi kapag naka harap na sya sa camera at bumilang na ako ng "smile...1,2,3....." sasabihin nya "JUMP!", sabay talon!
sus!

Posted by Picasa

Sunday, July 13, 2008

at the park


"look! a fish! yes, there it is!"

deadma ang popya sa family portrait!

kapag wala na magawa! jump na lang!

huli ka popya! nakunan ka din ng pix na nakaharap!

Posted by Picasa

Saturday, July 5, 2008

pasaway

nabanggit ko na dati na sobrang takot si sophia sa going bulilit. usually kapag super kulit na nya, nililipat namin ang tfcko (video on demand) sa going bulilit sabay sabi ng "do you want going bulilit, sit down", sabay turo sa sofa para mag time out muna sya.

kagabi, nasa sahig ang dora laptop nya na nakasara at inaapakan nya habang pumapalakpak. eto na:

me: "sophia, get down, do you want going bulilit?"

sophia: tingin sa akin. deadma

me: "sophia, do you want going bulilit, sit down"

sabay upo ni sophia sa IBABAW ng laptop nya.

di ba masunurin? di na namin napigil na matawa, pero syempre kailangan itago kay sophia, para kunwari galit pa din kami..... :)

Saturday, June 7, 2008

Friday, June 6, 2008

summer in the city

national day ng sweden today at syempre ano pa nga ba, eh di gumala na naman ang pamilya namin! hehehe. lahat ata ng tao sa Stockholm ay nasa labas at madami ding turista. mainit ang weather na nasa 25C, pero mahangin kaya masarap mamasyal!


public toilet. WC ay water closet. ma at pa!

madami ding tambay sa mga docks. wala lang! sa background ay yung Grona Lund, ang amusement park ng Stockholm. punta kami dun next time!

mga high school graduate! nagse-celebrate sila sa pamamagitan ng pag arkila ng truck at paikot ikot sa city habang nagkakantahan at nagsasayawan. di naman sila masyado masaya sa pag-graduate di ba?


wala lang. isang sa mga pix na nasa public display near a park.

umikot din kami sa suchal na suchal na stureplan! bumili din kami ng bubbles at maracas sa stockhome. para meron pagka-abalahan si sophia.

sa park....



matapos mang-habol ng bubbles, mag pose sa mga pix, mag tatalon sa saya. napagod din ang lola nyo!

Saturday, May 31, 2008

oh no, im stuck!


nagulat na lang kami, kasi pagupo nya sa box ng electic fan, eto ang nangyari!!!

Posted by Picasa

Sunday, May 25, 2008

view from our window p.1



wala lang. balloon flight lang. napadaan sa aming lugar.

Posted by Picasa

view from our window p.2





last saturday ay meron mini marathon sa aming lugar at sakto naman na dumaan sa tapat ng apartment namin. medyo malamig nung araw na yun, kaya naman bilib din kami sa fighting spirit ng mga ito. panalo.
marami sa kanila medyo may edad na, pero tumatakbo pa din, yung iba nga parang kailangan na ng oxygen, at mukhang di na aabot eh. hobby nila ang pahirapan ang sarili. kanya kanya din gimik ang ilan, meron pang naka red wig!
yung sa last pic, di na nakapag pigil.... tsk tsk tsk, may nakasulat kaya sa puno na "BAWAL UMIHI DITO!"?

Posted by Picasa