Thursday, December 6, 2007

mga piling piling pelikula

hmmm, magda-dalawang buwan na pala ako dito sa sweden. dalawang buwan na din na hindi ko nasisilayan ang telebisyon. ngunit, dahil sa teknolohiya at sa iba pang pamamaraang maituturing na ilegal (ehem torrent ehem) ako ay hindi nakakadama ng sobrang kalungkutan. may mga pelikulang nang-aaliw sa akin.

anak ng pusang gala! kung meron mang pelikulang maituturing na "heart pounding movie", ito na iyon. susmeng mahabagin, umurong ata ang mga yagbols ko paakyat sa leeg sa walang patumanggang habulan at suspense ng pelikulang ito. nakakpagod, parang gusto ko matulog nung matapos. kung hindi na-praning si mel gibson at kung ano ano ang pinagsasabi nung sya ay malasing, malamang mas madaming karangalan nakuha ang pelikulang ito.



nakakinis si queen elizabeth dito, kung totoo man ang mga pangyayari sa pelikulang ito na base sa mga araw matapos mamatay si diana. wala syang puso, kung meron man kulubot at raisins na. walang feelings, kung meron man, nahihiya sya ilabas. pero magaling si helen mirren at karapat dapat ang pagkapanalo nya sa oscars.




napanood ko na ito noon, pero dahil "i crush anne hathaway" kumuha ulit ako ng kopya sa kasama ko. halos araw araw ko ito pinanood ng ilang linggo, kasi wala naman ako iba papanoorin. kabisado ko na nga ang pelikula. magaling si meryl streep, pero mas magaling si emely blunt, yung assistant na mataray, panalo mga banat nya dito.




nakakatawa, pero pwede nang hindi ulitin.








mabuhay si michael moore! naku tama ang mga nilalaman ng documentary na ito. nakakainis ang medical system sa america, kung wala kang insurance, patay ka, literally. kahit meron ka insurance, hindi pa din ligtas sa mga bayarin na darating ilang buwan matapos mong madama ang ginhawa ng gamot, operasyon o lunas na ibinigay ng doktor sa iyo. gudlak.




tawa ako ng tawa sa buong pelikula. iyak ako ng iyak sa dulo. miss ko mag-ina ko.

No comments: