lipat
maaga ako gumising para sa last minute empake para sa paglipat ko mula sa temporary apartment papunta sa .... temporary room.
confused? well ganito, yung isang kasamahan ko sa office (na kasama ko din dati sa US) ay meron malaki apt, 3 lang sila dun (mag asawa at baby), so nung makuha nila apartment, nag suggest ako na i-rent ang isang room (4 rooms lahat). kasi sa ganitong set up makakatipid ako sa rent at makakatipid din sila. kasi may kamahalan ang rent ng place nila, kasi nga malaki at medyo malapit sa city center. habang andito ako, hahanap ako ng sarili namin apartment!
so, sa tulong ni N (office mate), nag renta ako ng van mula sa gas station. manual gear. gudlak sa akin. bago pa man kami nakalabas ng garahe ng gas station, 3 beses ata ako namatayan. di na kasi ako sanay sa manual eh. tapos medyo nakakapanibago, kasi driving while snowing. at yung left side mirror ko pa eh natanggal sa pwesto nya at wuma-wagayway habang nag drive kami. dasal ko ay sana di sya malaglag.
mabuti na lang at wala masyado tao sa kalye, kasi karamihan ng mga tao at naka alis na from stockholm at nag holiday na. kasi next week dec 26 at 27 lang ang pasok, so halos lahat ng tao ay nag holiday na. solong solo ko ang hi-way. ok na to, wala masyado madadamay kung pumalpak ako! medyo mabilis ang byahe, 30 minutes one-way. tapos mga 45minutes lang para i-load ang mga gamit sa van.
all in all mabilis ang paglipat, wala masyado pangyayari. inabot din ng SEK600 ($90+) ang rent ng van at gasolina.ok na din, at least confident na ako mag drive sa sweden!
at ang best part, free na ang sofa at dining table at chairs, cofee table, lamps etc. di na kasi kailangan ng company namin. lahat yun brand new! hehehe. ayos!
pictures of my new room later!
No comments:
Post a Comment