Tuesday, December 18, 2007

xmas party


kagagaling ko lang sa company xmas party. mga 630pm, sumakay kami ng bus para pumunta sa sercret location kung saan gaganapin ang party. ganun kada taon, walang may alam kung saan ang party. the dress code said "jacket", so kinailangan ko bumili ng suit (jacket at pants), pero ok na din kasi may free shirt at tie na promo nung bumili ako.

balik sa party kwento, so binaba kami ng bus sa isang fancy restaurant. as in "champagne while waiting for the tables to be ready" fancy. as in "fire place in the middle of the dining area with matching couch" fancy.

matapos after 15 minutes na wentuhan, ready na ang tables. nawala ang poise ng mga repa-pips, unahan sa magandang pwesto. buti na lang magaling mang box out ang kasamahan ko (o sadyang gutom lang si lola), kaya maganda ang lugar namin.

base sa table settings, three course meal ang magaganap. bread, appetizer, main course at dessert at cofee. masarap ang food, para sa appetizer, meron salmon, caviar at iba pang bagay na wala ako idea kung ano sya or kung dapat ba syang kainin or for decoration purposes only.
main course was a very tender beef with mushrooms and potatoes. for dessert we had chocolate mousse. fine dining sya, so lahat ng course ay parang sculpture na ewan.

habang kumakain kami meron 2 singers at isang pianist na nag entertain sa amin. magagaling sila at magaganda ang boses. si manong singer, kalbo parang si wally ng EB, si manang siger naman parang si Donya Buding. pero di ko kinaya ang choice of songs: moon river, what a wonderful world, you've got a friend at ang pinaka nakamamanghang choice....... delilah.

sus mariang mahabagin, di pa nakuntento ang singers na kumanta kami ng delilah, kailangan pa magkapit bisig kami at magpa-sway sway pa kami habang nakaupo. hmmm, buti na lang game din ang mga kasama ko sa table, kami ata ang pinaka energetic ang sway at pinaka malakas sa "why, why, why delilah".

eto pa, may part pa na kakanta ng jingle bells, pero ang "music" ay sa pamamagitan ng paghampas ng kutsarita sa baso. naman, para kaming na-ngaroling, feeling ko dapat kami ang binayarang ng talent fee, dahil na-entertain namin ang sarili namin. haaay.

di na ako nag stay pa para sa beer at wine, kasi antok na ako. so, naki share na lang ako ng taxi pauwi. so order ng taxi ang kasama ko sa phone. ang taxing dumating, mercedes benz. parang big time, pero ordinary lang sa kanila yun. haaay.

(pic is me using my office mate's camera)

No comments: