ang nag daang linggo
tagalugin ko baka meron nagbabasa na kasama ko sa office (feeling!).
mga kaganapan sa nagtapos na linggo:
dami problema matapos ang software upgrade. problema ng isang operator na madali naman gawan ng paraan, pero nagpumilit pa din sila na ibalik ang lumang software. fine. ibalik. panggabing gawain na naman ito, at dahil ako ang bago sa grupo, syempre ako ang taya.
kinaumagahan, matapos mabalik sa lumang software, sabi ng boss ko, ok na daw ang problema ni operator, nagawan daw nila ng paraan. nampucha naman, sana di na kami nagpuyat. hehehe.
dumating na ang laptop ko, isang slightly used lenovo t60. ganun talaga, contractor na eh, di na brand new ang laptop na ibibigay sa yo. buti nga meron na-issue eh, kung minalas malas ka pa, bring-your-own-laptop ka pa. buti na lang di ako bumili nito sa US. gigil na gigil na ako bumili ng t60 bago umuwi sa pinas para sa sweden work.
yung, isang kasama namin (na nakasama ko din sa US) lenovo t30 ang ibibigay sa kanya. halos maluha sya, kasi doble ang kapal at 5 years old na ang laptop at balak na ata mag retire. wawa naman, akala pa naman nya same kami model.
ano pa ba? madaming bago natututunan, medyo nakakatuwa din. pampaganda ng resume. mabuti na lang at sa iba ako na-assign, kasi medyo bago na medyo alam ko din ang work. labo ba? basta ganun.
No comments:
Post a Comment