Thursday, June 14, 2007

ang aga ng gising ko

gising ako ng 6am, kasi meron na kumakatok na maintenace staff para mag inspect ng apartment bago kami umalis.

side kwento muna: kahapon kasi tawag ako sa maintenance hotline para magpa-sked ng inspection, di na makita ang name ko, iba name na ang nakalagay sa apt number namin. anyway kinuha pa din ang details ko at ang available lang na slot eh 1pm. ang saya, 11am ang alis namin, pero sabi ko na din, inspect nila ng wala kami dito.
tapos, habang nagtatapon ako ng basura, may nakita akong maintenance guy sa labas, tanong ko kung pwede meron mag check sa apt bago kami umalis, sabi nyan andun na daw sya ng 6am at dadaan daw sya sa apt ng mga 630-700am. mabuhay ka barney! (yup, yun talaga ang name nya).

ok back sa main kwento: e di nabigla nga si garet at ginising ako, meron 2 maintenance guys sa labas, syempre pinapasok ko. sama ng tingin sa akin, yun pala naka-brief nga lang pala ako. hehe. check lang nila sandali ang apt, wala naman masyado nakita kungdi ang drip plate sa stove, $8 daw ang charge sa 2 na madumi. ok na din.

so ayan, 0900am pa lang medyo antok na ako. mahabang araw ito........

No comments: