Friday, October 24, 2008

busy-busy-han


whew! so far meron na akong 46+ hours of overtime this month. kasi nung umpisa ng buwan eh nasa pager duty (on-call) ako at madami daming tawag. tapos every week meron akong 2-3 night work.

di naman ako nagre-reklamo kasi madami akong ginagawa na di ko pa na-experience before, kaya exciting. di tulad nung nasa USA kami, kung saan madaming senoir engineers sa team namin, sila ang madalas makakuha ng mga juicy assignments at sa aming mga newbies naiiwan ang mga di nila trip gawin.
dito, ako ang bagsakan ni team leader ng mga assignments, may input ako sa planning at ako din ang assigned sa implementation at dahil dyan, madami akong natututunan. medyo matagal tagal na din mula ng maramdaman ko na 'high' ako sa work!
pero di pa tapos ang buwan, meron pang isang linggo. next week meron pa akong 2 night work, kaya gudlak sa akin! at magkano naman kayang tax ang kakaltasin ni sweden sa amin nito..... ayoko isipin.

1 comment:

Anonymous said...

wow naks naman! pautang! :-) he he
hoy, kapatid..di na me punta Sweden! Tinanggihan ko na training..kasi lipat na rin naman ako group eh! :-) sayang!! :-) he he he
God bless!
//jean