laptops
ayan, dumating na din ang dora laptop ni sophia. binili namin sya online. bukod sa wala kami nakita na parehas na item sa mga toy shops dito sa stockholm, mas mura sya sa amazon kahit na meron delivery charge. halos SEK200 ($25) ang difference sa price.
masaya na ang lahat, kasi wala ng sophia nakiki-kandong habang nag laptop kami at nakiki-tipa sa keyboard at nakiki-pindot sa mouse. pero si popya, panay ON at OFF naman ang ginagawa sa laptop nya, kasi kada on at off ng laptop eh tumataas-baba ang kamay nung dora dun sa loob ng globe. kaya sinasabayan din nya ng taas-baba ng kamay nya!
tapos, panay ang sara ng laptop, kaya panay ang punta sa amin para "open please". huhuhu. hehehe.
pero after 3 days, medyo may ibang keys na sya pinipindot, nadidinig na namin na nagtuturo na si dora ng letters at numbers. minsan nauuna pa si sophia sa pagsabi ng numbers. pero sa letters medyo namamangha pa sya, kasi small letters eh, ang kabisado kasi nya ay yun capital letters.
all in all, masaya kami sa nabili namin, at malamang madadalas ang bili ng toys online, pero depende sa budget.
thanks to edward and christianne for the amazon tip!
No comments:
Post a Comment