Saturday, May 31, 2008
Sunday, May 25, 2008
view from our window p.2
last saturday ay meron mini marathon sa aming lugar at sakto naman na dumaan sa tapat ng apartment namin. medyo malamig nung araw na yun, kaya naman bilib din kami sa fighting spirit ng mga ito. panalo.
marami sa kanila medyo may edad na, pero tumatakbo pa din, yung iba nga parang kailangan na ng oxygen, at mukhang di na aabot eh. hobby nila ang pahirapan ang sarili. kanya kanya din gimik ang ilan, meron pang naka red wig!
yung sa last pic, di na nakapag pigil.... tsk tsk tsk, may nakasulat kaya sa puno na "BAWAL UMIHI DITO!"?
ni: apee noong 5/25/2008 01:38:00 PM 0 reaksyon
at the playground
since wala pang daycare si sophia (naghihintay pa kami ng slot), we try to bring her to the playground once a day. ito ay para meron outlet ang kanyang energy at mapahinga naman ang mga kapit bahay sa ibaba namin. hehehe.
pero effective naman, kasi pagbalik sa apartment ay medyo low-batt na sya. so mas madali sya mag wind down para sa pagtulog sa gabi.
nga pala, yung playground ay sa tapat lang ng apartment, so wala masyado excuse na di sya dalin dun.
ni: apee noong 5/25/2008 01:31:00 PM 0 reaksyon
Saturday, May 17, 2008
where are they now?
i was looking through my old external hard drive and came across this old photo of my group in Smart. i can't believe this was just three years ago, time sure moves fast. i hope all of you guys are doing great wherever you are!
leave a comment and update me on your current location if you happen to visit my humble blog!
Smart NOC Group 2 rules!
ni: apee noong 5/17/2008 12:43:00 PM 4 reaksyon
ipod
di ka naman masyado enjoy sa ipod mo nyan? binili ang ipod para sa mother's day. pero mukhang hindi magagamit ng nanay nya ito. tsk tsk tsk!
ni: apee noong 5/17/2008 05:16:00 AM 1 reaksyon
50mm tests
ipinahiram sa akin ng kasama ko sa office ang canon 50mm 1.8f II lens nya, at eto ang mga resulta. malapit na ang father's day. eto kaya ang makuha kong gift? hmmm.
ni: apee noong 5/17/2008 05:13:00 AM 1 reaksyon
Sunday, May 11, 2008
Tuesday, May 6, 2008
new sophia words
CHAMEMI = Count with me!
As in, "Count with me, 1,2,3.... three apples!"
KWAN = C'mon!
As in, "C'mon Boots! Let's go!"
P.S.:
Tinuturuan na namin sya magsabi ng "please", kaya naman kada hingi sya ng milk, and dialogue nya ay: "Dododo please!"
ni: apee noong 5/06/2008 02:50:00 PM 2 reaksyon
Sunday, May 4, 2008
updates
visit my lovely wife's blog for more updates on our life here.
ni: apee noong 5/04/2008 02:05:00 AM 0 reaksyon
si sophia ay takot sa.....
walang biro, takot ang lola nyo sa "canned laughter". logo pa lang ng show, takot na sya! hindi tuloy kami makapanood nun. huhuhu.
weird di ba?
ni: apee noong 5/04/2008 01:59:00 AM 0 reaksyon
Labels: sophia
laptops
ayan, dumating na din ang dora laptop ni sophia. binili namin sya online. bukod sa wala kami nakita na parehas na item sa mga toy shops dito sa stockholm, mas mura sya sa amazon kahit na meron delivery charge. halos SEK200 ($25) ang difference sa price.
masaya na ang lahat, kasi wala ng sophia nakiki-kandong habang nag laptop kami at nakiki-tipa sa keyboard at nakiki-pindot sa mouse. pero si popya, panay ON at OFF naman ang ginagawa sa laptop nya, kasi kada on at off ng laptop eh tumataas-baba ang kamay nung dora dun sa loob ng globe. kaya sinasabayan din nya ng taas-baba ng kamay nya!
tapos, panay ang sara ng laptop, kaya panay ang punta sa amin para "open please". huhuhu. hehehe.
pero after 3 days, medyo may ibang keys na sya pinipindot, nadidinig na namin na nagtuturo na si dora ng letters at numbers. minsan nauuna pa si sophia sa pagsabi ng numbers. pero sa letters medyo namamangha pa sya, kasi small letters eh, ang kabisado kasi nya ay yun capital letters.
all in all, masaya kami sa nabili namin, at malamang madadalas ang bili ng toys online, pero depende sa budget.
thanks to edward and christianne for the amazon tip!
ni: apee noong 5/04/2008 01:33:00 AM 0 reaksyon