Friday, October 12, 2007

one week down.......


yahoo! buhay pa ako! naka isang linggo na pala ako sa sweden.
mabuti na lang at meron ako kasama dito na nakasama ko na din sa USA, so at least meron instant kausap sa office.
ok naman ang apartment ko, 2 stations via subway sa work. pagbaba ng station, dadaan sa mall papunta sa office.
grabe na ang lamig, nasa 1C ang high! san ka pa! pero kaya pa naman ng powers ko, so ok lang.
ang ganda ng stockholm, lalo na siguro kung summer. medyo mas madalas kasi na cloudy, kaya di maganda masyado mag pix.
bukas, sana umaraw at nang maka-ikot ulit sa city!

No comments: