Friday, July 13, 2007

monterey aquarium, cannery row, 17-mile drive part.01





last saturday we went to monterey, california. ganda ng monterey aquarium, nakakamangha. i especially liked the jellyfish exhibition. tapos yung anchovies (dilis) nakakatuwa kasi dikit dikit lumangoy, paikot ikot lang sila. meron din shark sa aquarium, pero mukhang busog sya, kasi dedma lang sya sa ibang fish, ala balak um-attack! hehehe.

kain kami sa luigi's pizza (?), meron sarap nung crab meat and garlic pasta at yung crab meat pizza kakaiba.

tapos we strolled along the cannery row (kasi mga old sardine factories ang mga shops). cute kasi meron pa silang trolley to bring the tourist to the other spots in the area.

before going home, we went to the 17-mile drive at carmel, california. kasi 17-miles of big houses at mansions sa bundok at pababa sa bay ang makikita doon. dati daw mayor ng city na ito si clint eastwood (or east clintwood, sabi nga ni maninay). andito din ang sikat na peeble beach golf course (no pix, tamad na ako bumaba at kumuha eh).

sa gate ng 17-mile drive meron pinoy na guard, di kami sure kung meron entrance fee, pero sabi ni manong, "basta pinoy libre!". hehe, thanks manong, nakatipid kami ng $9.

bago umuwi, kain kami sa patio filipino. ang sarap ng crispy binagooan, camaron rebosado at garlic rice. di masyado ok ang ginataang sitaw at kalabasa kasi hilaw pa ang kalabasa eh (pero ni-repair ni garet kinabukasan, sumarap na sya!). meron din two-man acoustic band na nag-perform. at andun daw si...... dyan-dyararan.... Spanky Rigor (wow! sikat na naman) of T.O.D.A.S. and VST & company fame.



enjoy naman mga kids sa mga"touchy" exhibits, kasi pwede hawakan ang mga starfish, sea weeds etc.

Posted by Picasa

No comments: