Tuesday, May 22, 2007

old clothes, e.r. & kidney stones



ang saya ng may 21,2007!

1300H: alis kami at punta sa once upon a child para mag-benta ng old clothes ni popya na hindi pwede sa pinas. bago pa lang umalis ramdam ko na na parang masakit ang tyan ko. parehas ng naramdaman ko last week. pero last week nawala din naman agad after uminom ako ng tums. so, on the way sa store, masakit pa din, pero dedma na lang, kasi kaya pa naman, at baka medyo na traffic lang ang effect ng tums. after i-drop-off ang old clothes, punta muna kami sa AZ mills, kasi hintay pa 30-60mins para malaman kung ano ang kukunin nila at alin ang hindi. sa AZ mills, sakit pa din, pucha parang tumitindi. may suspetsya na ako na kidney stones ito, kasi sa lower back, tapos right side.

1630H: uwi na sa bahay para magpahinga. inom ulit ng tums (baka sakaling umepek) at lagay ng bengay sa likod (wala lang, malay natin). pero after 30mins ganun pa din. mas malala pa ang sakit ngayon, parang mas grabe. huhuhu. oh no. lagot.

1700H: di ko na kaya. sabi ko kay garet punta na kami sa er, dali dali syang nag lagay ng gamit sa bags, para safe, just in case ma-admit ako at di sila maka-uwi ni popya.

1730H: after ilang ikot sa ospital, nakita na din namin ang entrance sa er, pucha tama ba naman na hindi clear ang marks at natatakpan ang signs. pero in fairness, meron free valet parking ang banner good samaritan hospital. sosi. ok, so lakad lakad, sakay elevator at umabot na din sa er. pucha ang sakit na talaga!! so matapos kunin ang mala-slumbook na details at nilagyan ng sosi na paper bracelet (=( see pic), hintay muna daw na tawagin ang name.

1745H: tinawag ang pangalan ko, kuha ng blood pressure, bigay ng lalagyan para sa jingle. tapos dinala na sa isang room. kung saan halos mamalipit na ako sa sakit at masuka-suka na ako sa hilo. pero tang-na, mga walang puso ang staff ng hospital na to, kasi pila pa din, kahit na ang mga nasa unahan ko e medyo ok naman at mukha naman hindi sila nakakaramdam ng sakit. yung matanda nga sa unahan ko eh, parang wala lang magawa sa bahay at naisipan lang mga joyride sa er. naman, nung iniinterview sya eh di man lang maalala ang sakit nya. tang-na talaga!

1820H: tinawag na ako ng nurse. yahoo! yun pala interview portion na naman, at ang maganda, meron sya kasama isa pa nurse na tinuturuan nya sa system nila, so instead na mas mabilis ang input ng details, e mas mabagal kasi nga turo pa nya. shet!

1835H: dumating na si doktor! tapos kinakausap ako ng spanish! heller! kinanginamo di ako mexicano! i-english ko nga, shet! tapos interview portion na naman (hayop kang doktor ka, magka bato ka din sana sa kidney mo)! tapos kuha ng blood, tapos binigyan na ng pain reliever! eto maganda, kada may lalapit na nurse tinatanong ako kung ok lang ako... hello, nasa er kaya ko...syempre hindi! tapos dinala ako sa ct scan para makita kung meron nga kidney stone. so after nun, labas ulit sa waiting room, kung saan nawawalan na ng pasensya si garet kay popya!

1930H: naramdaman ko na ang effect ng percocet.....heaven!

2300H: o di ba ang tagal namin naghintay? matapos magbayad ng co-pay ($75) at kunin ng 2 beses ang vital signs, meron na daw ako room at sasabihin na daw sa akin ang reulta ng ct scan at lab etc. tapos tuloy na kami sa room #3. at hintay daw sa doktor ng ilang minutes.

2330H: 30mins na wala pa din si doktor! shet!

2335H: dumating na si dok, 6mm daw ang kidney stone ko sa right side. kailangan daw ako tumawag sa urologist kinabukasan at magpa-sked ng procedure para basagin ang bato at pwede ko na mailabas sa pamamagitan ng power ng jingle! naman, yun lang pala, sana bandang 9pm sinabi na agad sa akin yun! pwede na daw kami lumabas, hintay lang daw ang cd na meron ct scan na file, para dalhin sa urologist!

0130H: 'kinam-shet, manual ata ang pa-ukit sa cd at inabot ng halos isang oras!

0200H: hanap ng 24hours na pharmacy, buti na lang meron malapit na cvs at mabait ang pharmacist, di epal! sobra dami ng epal ang na-encounter ko sa araw na ito!

0230H: bahay na!

may 21,2007 .... what a day..... what a day!

Posted by Picasa

No comments: